Ang nilalaman nang buong kwento ay orihinal na katha nang may akda.
Base sa tunay na pangyayari.Anu mang pagkakahawig nito sa ibang storya ay di sinasadya. Bawat opinion na isinulat ay pinagisipan at sinuring mabuti.
Base sa tunay na pangyayari.Anu mang pagkakahawig nito sa ibang storya ay di sinasadya. Bawat opinion na isinulat ay pinagisipan at sinuring mabuti.
Unang una, bakit bah ako nag-aaksaya nang ka-titipa sa keyboard ko para sa walang kwentang tulad mo. Simple… dahil gusto kong malaman nang iba na may kagaya mong walang kwenta na nabubuhay na pinagtitiyagaan nang mga katulad ko na gawan nang isang kwentong sana naman ay magsilbing aral.
Pangalawa, isa kang realidad. Isang katotohanang pilit kong binubura sa isipan ngunit sadyang nangngibabaw sa puso ko ang kapintasang iyong nagawa.
Pang-huli… sana maitanong mo sa sarili mong, naging mabuti ba’ko?
Para sayo ‘to at sa mga taong gaya mo…
Photo from Mr. Google
Naturalisismo…
Mga nasa ikalawang taon ako sa kolehiyo noon nang mapag-aralan ko ang teyoryang ito. Nalaman ko lang ang nilalaman nang yan mula sa isang report nang isang kaklase sa subject kong Teoryang Pampanitikan..Natural sa teoryang ito ang pagkakahati ng lipunan: mayaman at mahirap…mabait at masama...Babae at lalaki
Babae at lalaki…
Mabait… AT… Masama…
Hanggang saan mo nga ba masusukat ang pagiging masama ng isang tao? Sa simpleng kasalanan ba o kung umabot kana sa puntong ikakasira hindi lang ng sarili mo kundi pati na ang dulot nito sa iba? Lalo na sa minamahal mo.
Paano ka naman magiging mabuti kung sinabi din sa bibliya di ka rin din naman makakatuntong sa langit kung di ka rin makagagawa ng kasalanan habang ikaw’y nabubuhay sa mundong ibabaw.
Habang akoy lumalaki nabatid kong itinuturing na mabangis na gubat ang buhay sa mga walang kalaban-labang mga tao. Maraming mga kasuklam-suklam na pangyayari sa buhay ng isang tao. Tinitignan ang tao na parang hayop. Kasamaan.
………..
Tinawag nya ko. May bakante pa raw’ng upuan.
………..
Tinawag nya ko. May bakante pa raw’ng upuan.
‘Teka lang sasakay pa si Ma’am” , paalala nya sa drayber.
‘Ma’am dito ka po.’
Mahalumigmig nang araw na yon. Busina nang mga sari-saring sasakyan, yapak nang mga iba’t ibang uri nang tao, kanya-kanyang lakad, kanya-kanyang usapan. Sa isang tabi ay mga kumpol nang taong kumakain nang street foods, yung iba naman nakatayo sa sulok parang bagang may hinihintay. Payapa ang buong paligid nang mga oras na yon.
Halos katabi ko lang siya. Sa mukha nyang tila pagod na pagod at sa bawat tawag nya nang pasahero, aliwalas sa mukha nyang hapong hapo ang aking naaninag sa araw –araw ko siyang nakikita. Sa mga mata niya ramdam mo ang kanyang pagsusumikap sa simpleng kabuhayang pilit niyang pinagbubuti. Sa wari ko’y nasa mahigit tatlumpong-taong gulang na siya.
Isang sigaw ang narinig ko mula sa kung saan. Hinanap ko. Tila may poot at may paghihinakit na pingahuhugutan ang nagmamay-ari nang boses. Sa isang saglit na-aninag ko ang isang babaeng halos kasing tanda ko lang. Ngunit siya’y iba. Iba sa mga karaniwang nakikita ko sa mga araw na ‘yon. Nasa above –average ang timbang, suot naman nya’y isang hapit na hapit na shorts at itim na racer back, kabighaniang seksuwal ang dulot sa sino mang makakakitang ginoo.
Sa pangalawang pagkakataon narinig ko uli ang lakas nang kanyang pagtawag sa lalakeng halos kalapit ko lang, naka-tayo siya sa labas nang jeep kung saan ako nakaupo. Pakiwari ko ay may nais itong ipahatid.
…
Mga matang palaban…nanlilisik…
“Kanina pa’ko naghihintay dito!...
Malakas… Nagpatuloy ako sa pagmamasid.
Pinag-tataguan mo ba’ko? Putang-ina mo!
Tanong niyang nangangalit…
Sa bawat bitaw nya nang salita, dulot noon ay takot sa batang tangan-tangan nya sa kaliwa nya’ng bisig. Iniisip ko mga nasa labinpitong buwan lamang ang batang lalakeng ‘yon. Payat at tila kulang sa pag-aaruga. Umiiyak ito habang papalapit silang dalawa ng mama niya sa lalake.
Gago ka!!! Kanina pa kita hinahanap!!!
Sumagot ang lalake...
‘Nagbanyo lang ako sandali.’
“Kanina pako hintay nang hintay rito!!!... Putang ina mo!!!
Panghihimutok ng babae na halos bumulwak ang petuitary gland sa lakas ng sigaw.
Base sa kanilang pinagtatalunan, away-mag-asawa iyon, nakakasiguro ako. Kaya kunwari hindi ko sila tinitingnan pero ang totoo paminsan-minsan tumitingin ako. Magkabilaan.
Wala silang pinipiling oras ng paggigeyerahan.
Biglang umatikabo yung aksyon.
Sa pagkakataong yon bigla nyang binitawan at pahambalos na inilipat ang batang dati’y tangan tangan niya. Nasa isang metro ang kanilang pagitan.
Gulat na sinalo nang lalaki ang kawawang bata.
Lahat siguro nang nakarinig sa paligid nang mga oras na yon sa kanila nakamasid.
Ngunit ang sa akala kong ligtas niyang maisalo ang bata mula sa pagkakatapon , tyamba niya lang nahawakan ang isang kaliwang paa nito. Mga nasa isang daan at limampung sentimetro mula sa itaas. Halos nag-paikot ang katawan nang bata sa ere mula sa kanyang balikat.
Nagsigawan ang mga nakakita. Ewan ko, ngunit talagang narinig ko pati lakas nang boses ko sa mga segundong nakita ko ang pangyayari. Kasabay rin nito ay ang munting tinig na aking nadidinig...
Putang ina mo!!! Gago ka!!!
Sambit niya uli sa lalake. Halos di man lang siya natinag nang makita niyang halos mahulog na sa semento ang ulo nang bata.
Tumingin siya sa akin. Konti lang din ang pagitan naming dalawa. Nanlilisik. Napayuko na lang ako sa sama ng loob sa nakita.
Yumayakap na ang lamig sa buong paligid...Lumalakas na rin ang bugso ng hangin. Tumitindi na rin ang kanyang pighati. At sa kanyang bawat pagluha ay patak ng ulan siyang humuhugas sa kanyang namighating tinig. Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang init ng luhang dumaloy sa kanyang pisngi....
Dinampot ko ang aking cellphone at sa mga sandaling iyon ay nagpatugtog ako. Ngunit habang papalayo na ang sasakyang kinapapalooban ko, munting hiyaw parin niya ang aking nadidinig….
Mga yapak mo’y hindi makita
Ng nanlalabo kong mga mata,
Kamay ko’y abutin, ako ay akayin
At iligtas sa mundo kong madilim.
BY DEEGEY
...
Mahirap maging batang Ina. Bilang magulang na may hinaharap na malaking responsibilidad hindi sapat na dahilan na kung anong galit meron ka man sa sarili mo ay hahayaan mong anak mo ang sasalo nito. Meron man tayong mga maling nagawa , parte lamang yan ng buhay upang ikaw ay hubugin, upang matuto ng responsibilidad sa mga bagay na unang una ikaw ang nag umpisa.
Habang ako’y papalayo nabatid kong napaka-swerte ko. Binigyan ako nang Maykapal ng karunungang umunawa sa mga pagkakataong ako’y naguguluhan. Salamat, na sa puso ko ako’y pinagpalang magmahal at mahalin ang aking mga mumunting anghel na sa akin ay nagpapasaya at higit sa lahat ang taong sa akin ay buong pusong umuunawa… ang aking kabiyak.
Hindi man ako perpekto, may pagkakamali din ngunit sinisikap kong maging mabuti lalo na sa mga taong mahal ko.
Mapalad ka kung sa puso mo ay may kapayapaan sa kabila nang bangis na iyong natatanaw.
…
Sa iyo… meron ka pang ngayon. Sana mahanap mo rin ang kapayapaan sa puso mo.