Wednesday 28 November 2012

LAKBAY: 11/29/2012 - Polite Jeepney Driver.


Ang nilalaman nang buong kwento ay orihinal na katha nang may akda. 
Base sa tunay na pangyayari.Anu mang pagkakahawig nito sa ibang storya ay di sinasadya. Bawat opinion na isinulat ay pinagisipan at sinuring mabuti.



On my way to the office I rode a jeep w/few passengers in it. It was his first trip I presume. Sat,paid my usual fair early ,handed him 100 bill. Asking me if I have smaller ones. I politely said no. When it's my time to move out he gave me back my money. All I had in my wallet was a 5 peso coin. I told him if I could just pay him with the said amount & said thank you. He responded: "Okay lang na ma'am! Wa'y sapayan." 

That driver was unlike any ordinary jeepney driver. I wouldn't want  to make a statement or remark about a certain group without going into any detail , from what I've experienced months ago that certain driver was a  - capital R-U-D-E. 

Polite jeepney driver  LWS 626 - still not a myth! 
  

Wednesday 12 September 2012

LAKBAY: 09/10/2012 - Namighating Tinig.

Ang nilalaman nang buong kwento ay orihinal na katha nang may akda. 
Base sa tunay na pangyayari.Anu mang pagkakahawig nito sa ibang storya ay di sinasadya. Bawat opinion na isinulat ay pinagisipan at sinuring mabuti.


Unang una, bakit bah ako nag-aaksaya nang ka-titipa sa keyboard ko  para sa walang kwentang tulad mo. Simple… dahil gusto kong malaman nang iba na may kagaya mong walang kwenta na nabubuhay na   pinagtitiyagaan nang mga katulad ko na gawan nang isang kwentong sana naman ay magsilbing aral.

Pangalawa, isa kang realidad. Isang katotohanang pilit kong binubura sa isipan ngunit sadyang nangngibabaw sa puso ko ang kapintasang iyong nagawa.


Pang-huli… sana maitanong mo sa sarili mong, naging mabuti  ba’ko?

Sana darating ang araw na mapadpad ka sa blog nato upang ito’y iyong mabasa.

Para sayo ‘to at sa mga taong gaya mo…

Photo from Mr. Google

Naturalisismo…

Mga nasa ikalawang taon ako sa kolehiyo noon nang mapag-aralan ko ang teyoryang ito. Nalaman ko lang ang nilalaman nang yan mula sa isang report nang isang kaklase sa subject kong Teoryang Pampanitikan..Natural sa teoryang ito ang pagkakahati ng lipunan: mayaman at mahirap…mabait at masama...Babae at lalaki

Babae at lalaki…

Mabait… AT… Masama…

Hanggang saan mo nga ba masusukat ang pagiging masama ng isang tao? Sa simpleng kasalanan ba o kung umabot kana sa puntong ikakasira hindi lang  ng sarili mo kundi pati na ang dulot nito sa iba? Lalo na sa minamahal mo.

Paano ka naman magiging mabuti kung sinabi din sa bibliya di ka rin din naman makakatuntong sa langit kung di ka rin makagagawa ng kasalanan habang ikaw’y nabubuhay sa mundong ibabaw.

Habang akoy lumalaki nabatid kong itinuturing na mabangis na gubat ang buhay sa mga walang kalaban-labang mga tao. Maraming mga kasuklam-suklam na pangyayari sa buhay ng isang tao. Tinitignan ang tao na parang hayop. Kasamaan.

………..

Tinawag nya ko. May bakante pa raw’ng upuan.

‘Teka lang sasakay pa si Ma’am” , paalala nya sa drayber.

‘Ma’am dito ka po.’

Mahalumigmig nang araw na yon.  Busina nang mga sari-saring sasakyan, yapak nang mga iba’t ibang uri nang tao, kanya-kanyang lakad, kanya-kanyang usapan. Sa isang tabi ay mga kumpol nang taong kumakain nang street foods, yung iba naman nakatayo sa sulok parang bagang may hinihintay. Payapa ang buong paligid nang mga oras na yon.

Halos katabi ko lang siya. Sa mukha nyang tila pagod na pagod at sa bawat tawag nya nang pasahero, aliwalas  sa mukha nyang hapong hapo ang aking naaninag sa araw –araw ko siyang nakikita. Sa mga mata niya ramdam mo ang  kanyang pagsusumikap sa simpleng kabuhayang pilit niyang pinagbubuti. Sa wari ko’y  nasa mahigit tatlumpong-taong gulang na siya.

Isang sigaw ang narinig ko mula sa kung saan. Hinanap ko. Tila may poot at may paghihinakit  na pingahuhugutan ang nagmamay-ari nang boses. Sa isang saglit na-aninag ko ang isang babaeng halos kasing tanda ko lang. Ngunit siya’y iba. Iba sa mga karaniwang nakikita ko sa mga araw na ‘yon. Nasa above –average ang timbang, suot naman nya’y isang hapit na hapit na shorts at itim na racer back, kabighaniang seksuwal ang dulot sa sino mang makakakitang ginoo.

Sa pangalawang pagkakataon narinig ko uli ang lakas nang kanyang pagtawag sa lalakeng halos kalapit ko lang, naka-tayo siya sa labas nang jeep kung saan ako nakaupo. Pakiwari ko ay may nais itong ipahatid.



Mga matang palaban…nanlilisik…

“Kanina pa’ko naghihintay dito!...

Malakas… Nagpatuloy ako sa pagmamasid.


Pinag-tataguan mo ba’ko? Putang-ina mo!

Tanong niyang nangangalit…

Sa bawat bitaw nya nang salita, dulot noon ay takot sa batang tangan-tangan nya sa kaliwa nya’ng bisig. Iniisip ko mga nasa labinpitong buwan lamang ang batang lalakeng ‘yon. Payat at tila kulang sa pag-aaruga. Umiiyak ito habang  papalapit silang dalawa ng mama niya sa lalake. 

Gago ka!!! Kanina pa kita hinahanap!!!

Sumagot ang lalake...

‘Nagbanyo lang ako sandali.’

“Kanina pako hintay nang hintay rito!!!... Putang ina mo!!!

Panghihimutok ng babae na halos bumulwak ang petuitary gland sa lakas ng sigaw.

Base sa kanilang pinagtatalunan, away-mag-asawa iyon, nakakasiguro ako. Kaya kunwari hindi ko sila tinitingnan pero ang totoo paminsan-minsan tumitingin ako. Magkabilaan.


Wala silang pinipiling oras ng paggigeyerahan.

Biglang umatikabo yung aksyon.

Sa pagkakataong yon bigla nyang binitawan at pahambalos na inilipat ang batang dati’y tangan tangan niya. Nasa isang metro ang kanilang pagitan.

Gulat na  sinalo nang lalaki ang kawawang bata.

Lahat siguro nang nakarinig sa paligid nang mga oras na yon sa kanila nakamasid.

Ngunit ang sa akala kong ligtas niyang maisalo ang bata mula sa pagkakatapon , tyamba niya lang nahawakan ang isang kaliwang paa nito. Mga nasa isang daan at limampung sentimetro mula sa itaas. Halos nag-paikot ang katawan nang bata sa ere mula sa kanyang balikat.

Nagsigawan ang mga nakakita.  Ewan ko, ngunit talagang narinig ko pati lakas nang boses ko sa mga segundong nakita ko ang pangyayari. Kasabay rin nito ay ang munting tinig na aking nadidinig...

Putang ina mo!!! Gago ka!!!

Sambit niya uli sa lalake. Halos di man lang siya natinag nang makita niyang halos mahulog na sa semento ang ulo nang bata.

Tumingin siya sa akin. Konti lang din ang pagitan naming dalawa. Nanlilisik. Napayuko na lang ako sa sama ng loob sa nakita.

Yumayakap na ang lamig sa buong paligid...Lumalakas na rin ang bugso ng hangin.  Tumitindi na rin ang kanyang pighati. At sa kanyang bawat pagluha ay  patak ng ulan siyang  humuhugas  sa kanyang namighating tinig. Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang  init ng luhang dumaloy sa kanyang pisngi....

Dinampot ko ang aking cellphone at sa mga sandaling iyon ay nagpatugtog ako. Ngunit habang papalayo na ang sasakyang kinapapalooban ko, munting hiyaw parin niya ang aking nadidinig….



Mga yapak mo’y hindi makita
Ng nanlalabo kong mga mata,


Kamay ko’y abutin, ako ay akayin
At iligtas sa mundo kong madilim.


BY DEEGEY

...

Mahirap maging batang Ina. Bilang magulang  na may hinaharap na malaking responsibilidad hindi sapat na dahilan na kung anong galit meron ka man sa sarili mo ay hahayaan mong anak mo ang sasalo nito. Meron man tayong mga maling nagawa , parte lamang yan ng buhay  upang ikaw ay hubugin, upang matuto ng responsibilidad sa mga bagay na unang una ikaw ang nag umpisa.

Habang ako’y papalayo nabatid kong napaka-swerte ko. Binigyan ako nang Maykapal ng karunungang umunawa sa mga pagkakataong ako’y naguguluhan. Salamat, na sa puso ko ako’y pinagpalang magmahal at mahalin ang aking mga mumunting anghel na sa akin ay nagpapasaya at higit sa lahat ang taong sa akin ay buong pusong umuunawa… ang aking kabiyak.

Hindi man ako perpekto, may pagkakamali din ngunit sinisikap kong maging mabuti lalo na sa mga taong mahal ko.

Mapalad ka kung sa puso mo ay may kapayapaan sa kabila nang bangis na iyong natatanaw.


Sa iyo… meron ka pang ngayon. Sana mahanap mo rin ang kapayapaan sa puso mo.





Friday 29 June 2012

May expiration nga ba ang marriage.

So just heard of this Tom Cruise and Katie Holmes  calling it quits after their five years of marriage. Lahat expected na sila na! Pero eto, shocking! Ganyan talaga ang buhat kung ano't anuman ang reasons isa lang ang kahahantungan... wala na sila at di na buo ang family. 

Pero why stay in a marriage if you're not happy? Perhaps, because you have a child or kids na unang unang maaapektuhan sa sitwasyon. It's the hardest thing you have to deal with. 

Pero ano nga ba ang mga posibleng dahilan of why couples ended up being separated/divorce/annulled?  Simple! Una, may third party at kung nagkaayos man may insecurities. Yeah forgiven na ang nangyari pero di naman kasi yan talaga malilimutan. Ang sakit naman kasi dibah? At kahit you both want to move on and you're trying to patch things out meron at meron parin yung  mga tanong na, " Bakit niya kaya ginawa yun? " Masakit yun! Naman!  

Pangalawa, either of you has an attitude problem. Kung mahal ka nang tao babalewalain nya yun? Pero kung ako? Why would I settle in that kind of situation kung kaya ko naman mag sarili at itaguyod ang mga anak ko dibah? Dagdag stress yan! 

Pangatlo, kung alam mong sa buong panahon na nagsama kayo at pansin mong halos lahat doon e bitterness, and your unhappy... then go! Ika nga nila dibah God will never put you through anything you can't handle. When it hurts to look back and scared to look ahead, you can look up and  find God... He will always be there for you :) 

This was the convo we had with a colleague. Paano nga ba kung ang talagang sinasabi nang marriage contract niyo eh hanggang doon lang talaga kayo? Ipipilit mo? Kakabaliw'ng isipin. Sa bawat tipa nang keyboard ko hindi ko alam kung ano bah ang desisyong dapat kung gawin kung dito na kami papunta? Isa lang naman ang pinagdadasal ko sana... sana... huwag naman.

Wala lang talaga kaming magawa sa work kaya super chikahan lang in skype. 

Thursday 28 June 2012

Update Lang...

There are so much things I wanted to say today pero ewan ko kinakain ako nang antok na pilit kong nilalabanan. Naman kasi! Andami kong kinain kanina nung lunch. Kaya eto busog parin at mahuhulog na yata tung eyeballs ko. Kaya ina-update ko lang ang blog nato pero wala talaga! Sa susunod na may ikukwento ako. Ciao! 

Tuesday 29 May 2012

Salamat Panginoon!


Today I thank God for another blessing and survival I had endured.  Naniniwala akong  may dahilan ang lahat nang ito. Oo inaamin ko nalungkot ako dahil sinabi ko sa sarili ko na ito lang ang maka solve sa problema ko ngayon. But God didn't grant the request I have been waiting for years. Umiyak ako and my steps leads me to a place where what  I could think and say was a simple Thank you to Him. I was in his shell of comfort, with His wisdom I came to understand... at na-hinuha kong may dahilan ang lahat. 

Lord whatever it is, grant me the humility to accept  whatever ordeals and blessings that will come my way. Thank you oh God for always believing in me and putting  a smile on my face everyday!  You will always be great!